Publisher Description

Ang Dimasalang Kalendariong Tagalog ay babasahing kinapapalooban ng mga hulang mula sa kanluraning astrolohiya na hinaluan ng mga paniniwalang taal sa atin. Karaniwang ginagamit ito ng mga taong ang hanapbuhay ay may kinalaman sa pagsasaka, paghahayupan, at pangingisda sapagkat ang mga hula nito ay may kaugnayan sa pag-alam sa siklo ng panahon, gaya ng kabilugan ng buwan (Moon Cycle), paglaki ng tubig(High Tide at Low Tide), tag-ulan, tag-araw, at iba pang araw na dapat isaalang-alang ng mga tao. Bukod dito, may nakapaloob ding mga payo tungkol sa pag-ibig, pagpapamilya, at paghahanapbuhay dito. Ito ang katumbas ng weather forecast, horoscope at ni Dr. Love ngayon. Karaniwang mabibili ito sa Quiapo, Maynila.

GENRE
History
RELEASED
1958
January 1
LANGUAGE
TL
Tagalog
LENGTH
51
Pages
PUBLISHER
Public Domain
SELLER
Public Domain
SIZE
258.5
KB

More Books by Honorio López