75 Pahina Ng Aking Kabataan 75 Pahina Ng Aking Kabataan

75 Pahina Ng Aking Kabataan

    • 2,49 €
    • 2,49 €

Descripción editorial

Ang librong ito ay pumapaloob sa aking naging buhay kabataan. Tungkol sa buhay ng aking mga nakasalamuha at napanood, imahinasyon, pangarap, pag-aaral, pag-ibig sa iba’t ibang aspeto, at maging sa aking personal na buhay. Nais ko lamang na ibahagi ang mga tinta ng aking panulat maging ang pagbabago ng anyo nito sa mga kapwa ko kabataan. Batid ko na wala pa akong nararating, ngunit sa bawat paghakbang ko ako’y natututo. Dahil kung di ako matututo at di magbabago mananatili akong ligaw, mahina at walang alam. Para sa mga kabataang pinapatakbo ng galit o sama ng loob, huwag ninyong isipin na walang nagmamahal o nakakaintindi sa inyo, na nag-iisa lang kayo sa mundo. Sabi nga sa Mangangaral 3:15(PBS), “Lahat ng nangyayari ngayon ay nangyari na noong una, gayon din ang magaganap pa. Paulit-ulit lamang ang mga pangyayari”. May dahilan ang lahat kung bakit natin nararanasan ang mga ito. May plano sa atin ang Diyos, nais Niya lamang tayong matuto at makinig sa Kanya. Dahil ang mga nangyayari ngayon ay bahagi ng paghahanda sa napakaganda Niyang plano sa atin. Ito ay natapos isulat noong Enero 26, 2003.

GÉNERO
Ficción y literatura
PUBLICADO
2020
19 de noviembre
IDIOMA
TL
Tagalo
EXTENSIÓN
27
Páginas
EDITORIAL
Vichell Gudes
TAMAÑO
165,4
KB