Buhay at Mga Ginawa ni Dr. Jose Rizal
Publisher Description
Kung ang pakay ng isang mambabasa ay maranasan at madama ang mga dramatikong pangyayari sa buhay ni Rizal, hindi sapat na maibahagi lamang sa isang pangungusap ang imahe ng kalumanayan ng loob ni Rizal, halimbawa, noong mga huling niyang sandali. Makakamit ito sa pamamagitan ng detalyadong perspektibo ng mga taong naging bahagi mismo ng mga pangyayari.
Ito ang maaasahang tema sa kabuuan ng pagsasalaysay ng buhay ni Rizal sa librong sinulat ni Pascual H. Poblete, na pinamagatang Buhay at Mga Ginawa ni Dr. Jose Rizal.